Lunes, Mayo 20, 2013


FLIP TOP
first filipino rap battle


Ang rap battle ay isang paligsahan ng mga rapper sa pamamagitan ng pagsasalita. Maihahalintulad din ito sa balagtasan sa makabagong panahon. Ang dalawang magkalabang rapper ay may nakalaang oras para masabi ang kanilang mga pang-asar, pang lalait at kung minsan ay personal na ang banat ng magkalaban.
Ang nagpasimula ng Flip top dito sa Pilipinas ay si Alaric Yuson o mas kilala bilang Anygma. Siya din ang host sa mga flip top battles. At meron din siyang mga kasama na syang nag eedit at kumukuha ng video.
Bago magsimula ang rap battles ay sinsabi muna ni anygma ang mga rules sa laban. Sa mga rapper na magkalaban, bawal ang paghawak sa kalaban, bawal ang pagsasalita ng kalaban kapag ang kanyang kalaban ay nagsasalita. At kelangang tumigil ang rapper o mc sa pagsasalita kapag natapos na ang oras na nakalaan sa kanya. At ang huli bawal ang pikon.
At ito ang ilan sa mga rules sa audience, bawal ang mag video,magrecord at kumuha ng litrato ang mga manunuod sa oras na magsimula na ang rap battle.maging siblisisado sa oras ng battles ibig sabihin dapat umasal na tama ang mga manunuod upang maiwasan ang magkagulo at upang marinig and ang emcees na nagsasalita.
wag kulitin o isturbuhin ang mga emcees o ang mga staff ng battle para maging maaus at organisado and pagpapatakbo ng rap battles.
At malalaman ang mananalo sa pamamagitan ng pagbuto ng mga hurado. May mga piniling mc na siyang magjujudes ng laban. At pagkatapos ng rap battle ay isa isa silang magbibigay ng boto.


Sa ngayon meron ng dos por dos at dos por dos II tournament. Ang kaibahan lang nito ay dalawaang grupo na ang magkalaban at sa isang grupo ay dalawang mc ang magkakampi. Ang mga rules ay ganun pa din.
Kelangan lang na may wastong kaisipan ang manunuod nito sapagkat may ilang maseselan,malalaswang salita at may mga bawal na salita minsan na nasasabi ang mga mc.
Masayang manuod ng flip top dahil nakakatuwa ang mga sinasabi ng mga rapper. At nakakamangha dahil tugmang tugma ang mga sinsabi at nakakabilib ang mga rebattals, ang mga name flip ang mga bara at joke na ginagamit ng mga rapper. Nakakamangha din ang pagamit nila ng mga ibat ibang mga salita.








sources: konektado.com , goggle.com

















Walang komento:

Mag-post ng isang Komento